Friday , May 3 2024

Trailer pa lang ng Third Party, sobrang nakaaaliw na

ISA lang ang gay movie na ipalalabas ang tumatak sa amin at dapat suportahan . Ito ‘yung The Third Party na showing sa October 12. Ito lang ang may temang kabaklaan na dapat panoorin at wala nang iba dahil hindi masasayang ang pera.

Trailer pa lang ay aliw ka na. Swak din ang chemistry nina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Sam Milby.

Bilib din kami sa tatlong bida dahil pabor sila sa ongoing anti-drug campaign. Hindi sila gaya ng ibang artista riyan na may post pa na nagpo-promote ng marijuana, ‘no? Wala ring kiyeme ang tatlo na sumali sa random drug testing.Wala naman daw silang kinatatakutan.

Hirit pa nga ni Angel, hindi lang daw dapat artista ang dumaan sa drug test kundi pati politicians din. Kung ‘yun daw ang ikagaganda ng Pilipinas at ekonomiya, dapat lang daw na magtulungan.

Okey naman kay Zanjoe ang campaign sa drugs pero nakalulungkot lang ang mga balitang may mga namamatay na napagbibintangan lang o napagkakamalang pusher o user.

‘Yun lamang!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *