SUGATAN ang isang 21-anyos babaeng motorcycle rider makaraan saksakin ng dalawang binatilyo na humarang sa kanya sa madilim na bahagi ng Tondo, Maynila kamakalawa.
Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ria Rose Flores, garment worker, residente sa Guillermo St., San Rafael Village, Navotas City, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronaldo Delos Arcos, ng Manila Police District-Police Station 1, dakong 6:30 pm nang mangyari ang insidente sa madilim na bahagi ng Infanta St. kanto ng Honorio Lopez St., Balut, Tondo, Maynila.
( LEONARD BASILIO )