MAS matured at handa na sa maseselang eksena ang dalawa sa itinuturing na mahusay na teen actors kung acting ang pag-uusapan na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa kanilang bagong teleserye sa Kapuso Network.
Makikipagtagisan sina Kristoffer at Joyce sa pag-arte sa maituturing na ring beterana at mahusay na actress na sina Snooky Serna at Eula Valdez.
Masaya si Krostoffer dahil mag-iisang taon na halos na wala siyang teleserye kaya naman hindi nito maitago ang kasiyahan dahil nabigyan siya muli ng bagong serye ng kanyang home studio.
MATABIL – John Fontanilla