Thursday , December 1 2022

Luis, ‘di nagpabayad sa launching movie ni Alex

ISA sa aabangan sa bagong movie offering ng Regal Entertainment ang My Rebound Girl na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco at mula sa mahusay na direksiyon ni Emmanuel Dela Cruz na mapapanood na sa September 28 ang espesyal na partisipasyon ni Luis Manzano.

Napapayag daw na maging special guest sa launching movie ni Alex si Luis dahil magkaibigan ang dalawa at balita namin ay libre at hindi raw nagpabayad ang anak ni Cong. Vilma Santos.

Bukod kay Luis, nag guest din sa My Rebound Girl ang iba pang kaibigan ni Alex na sina Ryan Bang at Dominic Roque na kapareho ni Luis ay libre rin at ‘di nagpabayad.

Napanood namin ang trailer ng pelikulang ito at mismong kami ay napatawa sa husay at napakanatural na komedyante ni Alex dagdag pa ang mahuhusay na co-stars at magandang pagkakagawa ni Direk Dela Cruz.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Leave a Reply