HALATANG may attitude ang isang female PBB housemate nang mag-react sa kanyang nominasyon.
Nayayabangan at naartehan din sa kanya ang mga televiewer. Hindi tuloy siya nakikitaan ng sincerity.
May tsismis na kahit sa labas ng bahay ni Kuya ay feeling maganda ang female housemate na ito at may kakaibang asal talaga.
May buwiset na buwiset din sa kanya na nag-post sa FB.
“Everytime I see ____sa PBB naaalaala ko ang bad experience ko sa kanya & mga swans sa Lyceum Cavite. Sana magbago na sya #PBB5thLuckyTask
“May attitude pa rin si ____. May bad experience ako sa kanya sa taping ng #AILYS (And I Love You So). Buti na lang tinanggal sya sa teleserye. #PBB5thLuckyTask”
Nag-PM kami sa nagrereklamo sa PBB housemate na nag-aartista na pala rati bago pumasok kung anong attitude ang ipinakita?
“Itinulak niya ako buti na lang ‘di ako nahulog sa pond sa Lyceum Cavite. May talent ako na nagti-taping din. So andoon ako during the rehearsal ng scene. Kung sino pa baguhan ‘yun pa ang may attitude. Inintindi ko na lang na super init at nagmamadali siya. The staff told me wala lang siyang mood,” pakli sa amin.
Nakarma naman daw ang female PBB housemate na ito dahil napalitan siya at natanggal umano sa nasabing serye.
( Roldan Castro )