Friday , May 24 2024
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador
ElNella Elmo Magalona Janella Salvador

Sa “Born For You” Elmo at Janella sobrang sweet off cam (Pambubuking ng co-stars)

LIMA sa mga artistang kabilang sa “Born For You” na pinagbibidahan ng love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang aming na-interview sa pagbisita kamakailan sa set ng nasabing musical-drama series na nasa huling linggo na.

Ang aming tinutukoy ay sina Vina Morales, Katya Santos at Smokey Manaloto na gumaganap na mag-asawa sa serye at ang magkatambal sa BFY na sina Joj Agpangan at Alfred Alain.

Lahat sila ay nagsasabing hindi lang sa Born For You, sweet sina Elmo at Janella kahit off cam raw ay makikita ang sweetness ng dalawa at napaka-gentleman raw ni Elmo sa dalaga na mahilig sa pagkain.

Yes napakaganda raw ng attitude nitong si Janella na dalhan mo lang ng simpleng pagkain ay pasasalamatan ka agad at madali raw pakisamahan.

Kapag may time naman ay kasama raw nina Joj at Alfred at ilang co-star ang ElNella sa bonding time na madalas ay kumakain sila sa restaurant. Masaya raw kasama ang dalawa kaya enjoy sila.

Samantala malaki ang pasasalamat nina Joj at Alfred sa Dreamscape Entertainment at ABS-CBN at pinag-pair sila rito sa BFY na may ligawan blues sa

kalsada na hinaharana pa ng rap at hintayin na lang daw natin sa ending kung magiging sila ba?

Parehong happy naman daw sina Katya at Smokey sa kanilang role na mag-asawang close sa pamilya ni Sam (Janella) at anak nila sa serye si Allan na ginagampanan ni Francis Mangundayao. Ang sad part lang ay malapit na silang magkahiwa-hiwalay dahil huling week na nila this week.

Samantala masyadong drained si Vina nang makausap namin dahil sa mabibigat na eksena nila ng kabanggaang si Marge (Ayen Munji-Laurel) at abangan niyo raw ang mga huling episode nila sa Born For You, at mas matinding komprontansiyon ang mangyayari sa kanila ni Marge na nagawang angkinin ang sariling komposisyon ng mister ni Cathy (Morales) na si Buddy (Bernard Palanca) ng Born For You maibalik lang ang kasikatan ng mister na si Mike (Ariel Rivera).

Kaya ipaglalaban ni Cathy hanggang sa huli ang karapatan nila ni Sam sa kanta na dapat siya ang nag-record.

Wala rin masabi si Vina kina Janella at Elmo

at nakikita raw ng aktres ang magandang future ng dalawa sa kanilang respective careers.

At para sa lahat ng fans ng ElNella, sugod na ngayong September 16 (Biyernes) sa Kia Theater at saksihan ang live finale concert ng buong cast.

Number one na rin ang duet nina Elmo at Janella ng Born For You sa Spotify at included ito sa official soundtrack ng BFY.

Huwag bibitiw sa huling linggo ng teleseryeng ito gyud!

BARCELONA: A LOVE UNTOLD NG KATHNIEL INILE-LEVEL

SA MGA KLASIKONG OBRA NI DIREK OLIVE LAMASAN

Talagang all-out ang support na ibinibigay ng ABS-CBN para sa bagong pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Barcelona: A Love Untold.”

Halos lahat ng mga artistang hinawakan ni Inang Olive Lamasan sa kanyang mga proyekto na kinabibilangan nila Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Aga Muhlach, Iza Calzado ay ini-endoso sa publiko ang pinakamalaking pelikula ngayong taon ng KathNiel na majority ng scenes ay kinuhaan mismo sa Barcelona.

Sina Daniel at Kathryn ang pinakabatang mga artista na idinirek ni Lamasan at napahanga ng dalawa at pinakilig ang nasabing multi-awarded director.

Si DJ, naman dahil sa husay umarte sa

Barcelona ay ikinompara pa ni Direk Olive kay Aga Muhlach at malaking rebelasyon naman daw ang acting na ipinamalas ni Kathryn sa movie na aminadong hinubaran ng kanilang director para mas umangat ang level ng pagiging aktres.

By the way, Rated PG o parental guidance pala ng MTRCB ang Barcelona, ibig sabihin pampamilya ito at malaking bentaha upang maging blockbuster uli ang KathNiel movie under Star Cinema.

Lolang wagi sa Sugod-Bahay  Sa Barangay

TUMANGGAP MULI NG REGALO

SA ALDUB AT KAY BOSSING

Sa edad na lampas 70-anyos, kikay pa rin ang Lolang si Juanita De Leon na pagkatapos manalo sa Sugod-Bahay sa Barangay ay muling nakatanggap ng regalo kina Alden Richards at Maine Mendoza, ganoon rin kay Bossing Vic Sotto at Hanabishi Appliances, isa sa major sponsor ng Eat Bulaga sa Juan For All, All For Juan.

Puro kulay Lavander ang gift ng AlDub kay Lola Juanita mula sa damit, bag at sapatos. Masaya niyang ikinuwento kay Bossing na mula sa napanalunan sa Sugod-Bahay ay nakapagpundar na siya ng maliit na Sari-Sari Store at sa tuwa ni Bossing sa kanya ay kaagad na tinugunan ng Hanabishi Appliances ang hiling na TV set dahil wala na raw lumalabas na tao sa kanilang telebisyon.

Napaka-generous talaga ng Bulaga at sila ay hulog ng langit sa mga Dabarkads.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *