HINDI maiwasang tanungin si Ai Ai Delas Alas kung paano niya iwe-welcome si Kris Aquino ’pag nag-guest ito sa Sunday Pinasaya?
“Eto po ang sagot ko riyan. Kasi po, sa 26 years ko in showbusiness, lahat po ng katanungan n’yo at ang buhay ko ay bukas na bukas, for the first time in my life, hindi po ako sasagot sa tanong n’yo dahil maraming katanungan na wala ring sagot.
“Kagaya ng bakit ang hamburger, walang ham? Bakit ang ABC (alpahabet song), katono ng ‘Twinkle, Twinkle Little Star’? Wala ring kasagutan‘yan. Basta, marami. Ang yelo, bakit madulas?nAng giraffe, bakit mahaba ang leeg? Marami pong katanungan na walang sagot, so isama n’yo na po ‘yan sa katanungang walang sagot,” pakli ng Comedy Queen.
Anyway, bilang unang anibersaryo ng SPS, magkakaroon ng two-part birthday celebration ang show sa September 4 and 11.
TALBOG – Roldan Castro