Thursday , June 4 2026
dead gun police

2 NPA, civilian volunteer utas sa sagupaan sa Zambo Sur

ZAMBOANGA CITY- Dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay habang sa panig ng tropa ng pamahalaan ay isang civilian volunteer ang namatay sa enkwentro sa Purok 7, Brgy. Supon, Bayog, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Ayon kay Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WestMinCom), pinuntahan ang lugar ng tropa ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA), kasama ng mga civilian volunteer upang beripikahin ang report tungkol sa presensiya ng mga NPA.

Dito na nakasagupa ng mga awtoridad ang hindi pa tinukoy na bilang ng mga rebeldeng NPA sa ilalim ng SYP-KARA.

Sa isinagawang clearing operation ng mga sundalo, narekober ang bangkay ng dalawang rebelde na kinilala lamang sa mga pangalang Nilo at Chery.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa tumakas na mga NPA kasama na rin ang iba pang grupo na nananatili sa lalawigan na nangunguna sa ilang kriminalidad sa lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …