IF her regular exposure in TV5’s Happinas Happy Hour ang gagawing pamantayan, then Sam Pinto must have bolted the gates of GMA.
Ilang Biyernes na kasing regular na napapanood si Sam sa naturang comedy variety show, gayong mainstay siya ng Bubble Gang.
Kung hindi kami nagkakamali, ang point of entry ni Sam sa Kapatid Network ay ang TV remake ng Panday na nasa makabagong panahon ang karakter ni Sam. Nang mawala na sa ere ang Panday, Sam has since graced HHH on a regular basis proudly flaunting her curves sa mga sexy opening number at fun games nito.
True to her name, may “pinto” na laging nakabukas para kay Sam. Definitely, there’s life after GMA!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III