NAKATIKIM pala ng kamalditahan ang isang singer-actress sa magaling na character actress.
Hindi sinasadya ng singer -actress na maitulak sa eksena nila ang character actress sa isang serye.
Pero, instead na magpasensiya ang character actress ay talagang tinalakan niya umano ang singer-actress. Nag-sorry na nga raw ito at nagpaliwanag na hindi niya sinasadya pero OA pa rin ang reaksiyon ng character actress.
“May galit ka ba sa akin? Kung alam ko lang na tototohanin mo angeksena natin dapat, tinotoo ko na rin ang pananakit sa ‘yo,” sabay irap at talikod daw ng character actress.
Hindi na nakakibo ang singer-actress . Iniiwasan na lang niya na makasama ito sa ibang proyekto dahil ayaw na niyang ma-experience ang pagiging ‘impaktita’ ni C. A. Hindi naman daw niya pinangarap na humantong pa na ipako niya sa krus.
Tsuk!
( Roldan Castro )