Singer-actress, pinagmalditahan ni character actress

NAKATIKIM pala ng kamalditahan ang isang singer-actress sa magaling na character actress.

Hindi sinasadya ng singer -actress na maitulak sa eksena nila ang character actress sa isang serye.

Pero, instead na magpasensiya ang character actress ay talagang tinalakan niya umano ang singer-actress. Nag-sorry na nga raw ito at nagpaliwanag na hindi niya sinasadya pero OA pa rin ang reaksiyon ng character actress.

β€œMay galit ka ba sa akin? Kung alam ko lang na tototohanin mo angeksena natin dapat, tinotoo ko na rin ang pananakit sa β€˜yo,” sabay irap at talikod daw ng character actress.

Hindi na nakakibo ang singer-actress . Iniiwasan na lang niya na makasama ito sa ibang proyekto dahil ayaw na niyang ma-experience ang pagiging β€˜impaktita’ ni C. A. Hindi naman daw niya pinangarap na humantong pa na ipako niya sa krus.

Tsuk!

( Roldan Castro )