Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban sexy
Angelica Panganiban sexy

Angelica, ‘tulalang’ lalaki na ang hanap

SOBRANG nasaktan si Angelica Panganiban sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz at inaming muntik lumipat ng ibang network para maiwasan ang dating kasintahan.

Aniya, nahimasmasan siya kaya hindi niya na itinuloy ang paglipat dahil sobra ang kanyang respeto sa ABS-CBN. Hindi na lang daw siya lilipat, kundi magre-retire na lang.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naka-move ang aktres sa kanyang break-up sa four-year relationship kay John Lloyd dahil halos araw-araw niya itong iniiyakan. Kaya naman, sa sususunod muli niyang magmahal  titiyakin niyang iyon na ang huling lalaki para sa kanya.

Ani Angelica, patutunayan niyang ‘forever.’ Puwede pa rin siyang pumatol sa taga-showbiz pero sisiguraduhin niyang hindi na ito sikat para magkaroon sila ng oras sa isa’t isa. Mahirap na raw ‘yung sikat dahil maraming kaagaw, maraming balakid tulad ng napagdaanan niya kina Derek Ramsay at John Lloyd.

“Lesson learned talaga, huwag sikat. Kung gusto mo ng artista, ‘yung laos o kaya ‘yung wala ng direksiyon. ‘Yung parang wala ng papel sa mundo, parang tulala lang. ‘Yun na ang hanap ko ngayon, mga lalaking tulala,”pabiro ng aktres kay Vice Ganda noong nag-guest siya sa TV show ng huli.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …