John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

Lloydie, nagte-text pa rin daw kay Angelica

TULOY pa rin ang pagti-text ni John lloyd Cruz kay Angelica Panganiban pero hindi na kasing dalas tulad noong may relasyon pa sila.

Kinompirma ito ng aktres at umaming kinikilig pa rin pero sinasadya daw niyang huwag agad sumagot para hindi mahalata ng aktor na may feeling pa siya rito. Ito daw ang dahilan kung bakit mahirap sa kanya ang maka-move-on.

Inamin nito na ang aktor ang palaging unang nagte-text pero noong umpisa na parang broken  siya gustong-gusto niyang i-text ang ex dahil ang dami pa niyang gustong sabihin dito.

Minsan, pakiramdam daw niya ay nababaliw na siya.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu