Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak nina Vicki at Hayden, mahigit isang taon itinago

00 fact sheet reggeeNAG-POST na rin si Direk Quark Henares kahapon ng umaga karga ang bunsong kapatid na si Scarlett Snow pagkatapos umamin ng mama niyang si Dra. Vicki Belo at si Hayden Kho na may anak sila.

Base sa post ni direk Quark, ”I hear there’s been a revelation* #ýteamsnowybear* #ýscarletsnow * #ýbaby* #ýcutebaby * #ýbabies * #ýbabiesofinstagram.”

Sabi namin kay direk Quark, ‘kaya pala baby sister ang sinabi mo direk’ at sumagot naman si direk Quark sa amin ng, ”o diba. ayan na. ha ha ha ha ha. Sabi ko maghintay ka lang eh.”

Kamukha ng mama niya si Scarlett Snow at may anggulong kamukha rin ni Hayden sabi namin sa binatang direktor.

Kina Hayden at Quark daw nanggaling ang pangalang Scarlett Snow.

“Kay Hayden ‘yung Scarlett, akin ‘yung Snow. Galing sa Biblia ‘yan eh.

“If your soul is Scarlet, I will turn it into Snow, Isaac (Isaiah 1:18) ata. Google mo na lang hehehe,” masayang sabi ng binatang direktor.

Isang taon at tatlong buwan na raw ang baby sister nina direk Quark at Cristalle Belo Henares kaya matagal na rin bago ito inilabas sa publiko nina Dra. Vicki at Hayden.

Filipina ba ang surrogate mother ng bagets, ”Kana ang surrogate (mother), sa States ipinanganak kaya siya (Scarlett Snow) lang ang Kano sa amin (magkapatid), ha, ha,” tumawang sabi ni direk Quark.

Spoiled ba si bagets sa kanilang dalawa ni Cristalle? ”Ayoko ngang i-spoil eh. Mission ko sa buhay siguraduhin na hindi siya lalaking spoiled brat he he he. O, ayan ha, laki na ng scoop mo ‘teh.”

Mas malapit daw si Scarlett Snow kay Cristalle, ”mas bonding sila actually since nakatira sa bahay si Cristalle. Love na love niya ‘yan!” say pa ni direk Quark.

Naisip ba nilang dalawa ni Cristalle na magkakaroon pa sila ng kapatid? ”Never ever ha ha ha, so, medyo nakagugulat ‘to,” tumatawang sabi ni Quark.

Magkasama na ba sina Dra. Vicki at Hayden sa iisang bahay since may anak na sila o umuuwi pa rin ang huli sa bahay niya?

“Wala naman ako sa bahay, so, oks na rin. Life goes on,” mabilis na sabi ni direk Quark.

Sa madaling salita, magkasama na nga sa iisang bahay ang magulang ni Scarlett Snow.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …