NADISKUBRE pa ng mga awtoridad at ng isang animal welfare group ang halos 30 sako at mga plastic bag na naglalaman ng mga labi ng mga alagang hayop sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa pamamagitan ng pagsisikap ng National Bureau of Investigation (NBI) at animal welfare group na Luna and Furry Siblings, nalantad pa ang pagtatapon ng mga carcass ng mga alagang hayop na nakakontratang i-cremate ng pet crematorium dakong 4:00 ng hapon kamakalawa.
Ayon sa grupo para sa kapakanan ng mga hayop, maaaring umabot sa 120 aso at pusa ang natagpuan sa dumpsite.
Hustisya ang hinahangad ng mga may-ari ng alagang hayop sa Cavite matapos mamatay ang 12 hayop dahil sa pinaghihinalaang pagkalason.
ng ilan sa mga labi ay mga buto na lamang, habang ang iba ay nasa malalang yugto na ng pagkabulok.
Natapos ng mga awtoridad ang kanilang mga operasyon sa pagkuha dakong 8:00 ng gabi.
Hindi tulad ng mga labi ng hayop na natagpuan sa Barangay Minuyan Proper noong nakaraang linggo, ang mga sako na narekober sa Gaya-Gaya ay walang mga label o pagkakakilanlan na nagpapahiwatig ng mga pangalan o bigat ng mga hayop.
Samantala, kinondena ng mga taga-San Jose del ang pagtatapon ng mga patay na hayop, at inilarawan ang insidente bilang karumal-dumal.
Kamakailan, nagpahayag ang lokal na pamahalaan ng pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad upang magsagawa ng naaangkop na aksiyon laban sa isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite, na nasangkot sa insidente. (MICKA BAUTISTA)
