VMX actor Niko Valdez na-scam, nawalan ng milyones 

Niko Valdez VMX

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKAIPON na ng milyong pera ang VMX actor na si Niko Valdez. Pero nawalang lahat ‘yon nang ma-scam siya. Hindi na siya nagbigay pa ng detalye tungkol dito.

Galing ang pera sa pagtitinda niya ng sibuyas at pagiging TNVS driver. May mga iba pa siyang negosyo pero lahat ng kinita eh nawala rin.

Kaya naman malaking tulong din ang pagiging VMX actor niya at nakatatlong VMX films.

“Ang pangarap ko eh makita akong napapanood sa big screen kaya pinagbubuti ko ang trabaho ko.

“Pangarap ko na ring maging artista kaya blessed ako at nakuha sa VMX,” saad ni Niko sa bagong VMX movie niyang Dutdot na streaming na ngayon.

Ang isa pang aabangang VMX movie ay ang remake  ng Sukdulan na this time ay pagbibidahan ni Shalanie de Vera with Benz Sanggalang at Chad Solano.