RATED R
ni Rommel Gonzales
HINDI siya boldstar kaya challenge para sa Sparkle GMA Artist Center actress na si Analyn Barro ang gumanap bilang isang boldstar sa pelikulang He’s Dating A Boldstar nila ng sikat na content creator na si Malupiton.
Komedyanang maituturing si Analyn dahil sampung taon na siyang regular cast member ng Bubble Gang sa GMA.
Challenging man ang role niya sa bagong movie nila ay hindi naman siya sobrang nahirapan.
Lahad ni Analyn, “Actually, hindi gaanong naging adjustment sa akin kasi, bilang magti-ten years na po ako sa ‘Bubble Gang’ and bago naging wholesome ‘yun ay naabutan ko po ‘yung era na talagang pak! Sexy, sexy, ganoon.
“Talagang bawal doon ang one piece. Noong dati po, ‘yung dating era, talaga kailangan, naka-two piece kami.
“Bawal talaga ‘yung tagong-tago ‘yung skin.
“So parang kahit paano naging ano naman siya, naging helpful sa akin. Naging training ground naman sa akin ‘yung ‘Bubble Gang’ before.”
Bukod kay Malupiton, kasama rin sa pelikula ang Kolokoyz TV, Dominic Biong, Joshua Padigos, Rob Sy, Aleck Bovick, Leandro Baldemor, at newcomer Allen Deniro.
Ito ay mula sa direksiyon ni Niokz Arcega at ipalalabas na sa mga sinehan sa October 28.
