Kris Aquino bet ni Valerie Tan makasama sa HK

Valerie Tan Kris Aquino

MATABIL
ni John Fontanilla

ISA sa pangarap ng host na si Valerie Tan na makasama si Kris Aquino, ang kanyang ultimate idol sa Hong Kong.

Aniya, gusto niyang sabay nilang libutin ang magagandang lugar at kainin ang masasarap na pagkain sa tinaguriang Asia’s World City.

Ayon pa kay Valerie sa mediacon ng kanyang show na iHeartPh Season 11 na ginanap last Oktubre 15 sa Winford Resort and Casino Hotel with Hong Kong Tourism Board Regional Director for Southeast Asia na si Ms. Liew Chian Jia or Ms. CJ, “Siguro if I want to bring someone with me to Hong Kong, siguro ang Queen of Talk, Kris Aquino.

“I’m such a huge fan of her. She’s so smart, she’s so witty.

“Feeling ko ‘pag magkasama kami magiging magka-vibes kami so I’ll bring her, I’ll tour her.

“Hopefully she’ll give me some trivia, so I would love to meet her.”

At sa Season 11 ng iHeartph ay muling lilibutin ni Valerie ang Hongkong katuwang ang Hong Kong Tourism Board at mapapanood ‘yan simula Oct. 25 ng 11:30 a.m. sa GTV.

Ilan sa mapapanood sa iHeartPH Season 11 ang Hong Kong Palace Museum, Madame Tussauds Hong Kong Ma Wan 1868, Ding Ding Foodie Tour, Hong Kong Disneyland atbp..

Kaya naman tutok na sa iHeartPH tuwing Linggo, 11:30 a.m., sa GTV simula sa Oktubre 25, hatid ng TV8 Media.