BUMAWI ang San Beda University Lady Red Spikers matapos talunin ang Arellano University Lady Chiefs, 23-25, 25-19, 25-19, 25-23, sa Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum.
Matapos maagaw ng Arellano ang unang set, agad bumangon ang San Beda at dominahin ang sumunod na dalawang set.
Hindi naman basta sumuko ang Lady Chiefs sa ikaapat na set, pero nanatiling matatag ang Lady Red Spikers para tuluyang maisara ang laban.
Nanguna sa San Beda sina Daisy Cagas at Janelle Bachar na kapwa nagtala ng 12 puntos, habang nagdagdag si Paula Palma ng 11.
Kumana naman ng 15 puntos si Keisha Abitria para sa Arellano, na hindi nakahabol sa dikdikang pagtatapos ng laban.
Kapwa nagtapos ang San Beda at Arellano na may isang panalo at tatlong talo sa Pool A. (HNT)
