MATABIL
ni John Fontanilla
MILYA-MILYA na ang layo ng career at kasikatan ni Will Ashley sa mga kapanabayang mga artista sa Kapuso o Kapamilya Network.
Isa si Will sa maituturing na pinakamahusay at bankable aktor sa kanyang henerasyon.
Bukod sa dami ng proyektong ginagawa sa telebisyon at pelikula ay mabenta rin itong endoser ng iba’t ibang produkto.
Marami na rin itong award na napanalunan dahil sa husay na pagganap sa mga proyektong ginagawa.
Ngayon ay nakakuha ng sunod-sunod na pagkilala sa kanyang husay sa pagganap si Will. Nominado siya 42nd PMPC Star Awards for Movies, Gawad Urian, FAMAS, at Pasado Awards sa kategoryang Best Supportong Actor para sa mahusay na pagganap sa pelikulang Bar Boys: After School.
Palabas na rin sa GMA 7 ang kanyang pinagbibidahang TawaSerye na Delivery Boi.
