Carlos Yulo 2026 Asian Games

NAGDAGDAG ng isa pang gintong medalya si Carlos Edriel Yulo para sa Team Philippines matapos dominahin ang men’s vault final, una sa men’s floor exercise final sa 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 sa Japan nitong Biyernes.

Humataw ang two-time Olympic gold medalist sa kanyang average score na 14.599 puntos para hablutin ang kampeonato, habang dikit na pumangalawa ang Iranian na si Mahdi Olfati na may 14.533.

Hindi rin nagpahuli ang kapwa Pilipinong si Juancho Miguel Besana, na nagtapos sa ikalimang puwesto matapos makapagtala ng 13.783 puntos.

Sa dagdag-gintong hatid ni Yulo, umakyat ang Pilipinas sa ika-13 puwesto sa medal tally na may 2 ginto, 1 pilak at 4 na tanso sa  ngayon. (POC Media Pool photos)