RATED R
ni Rommel Gonzales
AYAW nang pahabain pa ni Rochelle Pangilinan ang tila hindi matapos-tapos na isyu nila ng grupong SexBomb Girls, lalo na ang gap umano nila ni Jopay Paguia.
“Kung ano’t ano man, nasagot ko na lahat kay Tito Boy,” ang sagot ni Rochelle nang matanong tungkol sa isyu sa mediacon ng 3rd Puregold CinePanalo Film Festival.
Nag-guest at nagpa-interbyu si Rochelle sa Fast Talk With Boy Abunda recently.
“So, at least ‘yun, clear na ‘yun. Ayoko nang dugtungan pa ng kung ano-anong salita.
“Na katulad ng sinabi ko, kung ano ang tinanong nila, ‘yun lang po ang sasagutin ko, at nasagot ko na po siya.
“And ayoko nang dugtungan pa kasi… parang iyon na ‘yun.”
After ng interbyu sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda sana raw ay matapos na rin ang intriga sa kanila sa SexBomb.
“Sana, maging okay.
“Lagi naman ako umaasa na maging okay kami.
“Kasi katulad ng sinabi ko sa interview, kami ay pamilya.
“Kami ay magkakapatid.”
Wala rin daw problema sa kanya kung siya pa ang mauunang makipag-usap para maayos ang lahat sa kanila.
“Oo naman,” bulalas ni Rochelle. “Sino ba naman ako para hindi mag-ano, ‘di ba, mag-ayos!”
Okay lang ba sa kanya kung siya ang mauunang makipag-usap kay Jopay?
“Hindi lang siya. Marami. Marami kaming dapat ayusin.”
“Hindi lang sa isang side. General lahat ‘yung sinasabi ko,” saad ni Rochelle.
Walang dibisyon ang SexBomb Girls na Team Rochelle at Team Jopay.
“Wala namang ganyan. Walang ganyan simula noon!
“Parang mga tao lang yata nagbibigay ng ganoon.
“Pero from the start, walang ganyan.”
Hindi rin daw maiwasang nagkakaroon ng problema dahil sa dami nila sa SexBomb.
“Ang dami namin. Lahat kami, alpha female. Para mag-lead ka sa ganitong grupo, dapat matatag ka.”
Hindi rin madali na maging leader ng grupo.
“Hindi madali mag-lead.
“Kasi sa natutunan ko, kasabay ng pag-lead, dapat tagasunod ka rin. Kumbaga, personal alalay ka rin, personal assistant ka rin.
“So, nag-a-assist ka rin. Magkakasabay siya, eh.
“Hindi ka lang basta nagli-lead, eh.
“So ayun, minsan sinasabi ko sa kanila ‘pag nagdyu-joke ako, ‘Pagod na pagod na akong maging PA niyo!’
“Ganoon,” at tumawa si Rochelle.
Mas mahalaga kay Rochelle na mag-focus sa mga blessing na dumarating sa SexBomb Girls.
“Para sa akin, hindi siya ganoon ka-big deal, eh.
“Normal sa amin ang ganito, eh. So, ganoon po siya.
“Katulad ng sinabi ko, as long as maraming umaasa at nagtitiwala sa akin na mag-lead sa girls, doon ako.
“Magpo-focus na ako sa positive,” pakli pa ni Rochelle.
Bida si Rochelle sa pelikulang Apol of My Ai na isa sa pitong entries sa full-length category ng CinePanalo Film Festival this year na co-stars niya sina Zanjoe Marudo, Jacob Kawagdan, Mads Nicolas, Kat Galang, at Zion Cruz, mula sa direksiyon ni Thop Nazareno.
Gaganapin ang Puregold CinePanalo Film Festival mula September 23 hanggang October 4.
