Legarda humingi ng dagdag na medical leave hanggang 9 Oktubre

Loren Legarda

PINALAWIG ni Senadora Loren Legarda ang kanyang medical leave hanggang ikalawang linggo ng Oktubre, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes, 21 Setyembre.

Sakop ng kanyang pinalawig na leave ang 21 Setyembre hanggang 23 Setyembre; 28 Setyembre hanggang 2 Oktubre; at 5 Oktubre hanggang 9 Oktubre.

Nagsimula ang kanyang sunod-sunod na medical leave noong 3 Agosto.

Nauna nang sinabi ng Senate leadership na nagpaalam si Legarda dahil sa isang seryosong karamdaman, bagaman hindi isinapubliko ang detalye nito.

Kasabay ng kanyang patuloy na pagliban sa Senado ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman kaugnay ng plunder at graft complaints laban sa kanya at sa anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste dahil sa hindi natupad na solar power projects ng kompanya ni Leviste.

Kapwa naghain ng counter-affidavit sina Legarda at Leviste at itinanggi nila ang kahit anong ‘wrongdoing’.

Iginiit ng kampo ni Legarda na walang government funds na sangkot sa mga alegasyon.

Inilinaw ni Bantug na nananatiling epektibo ang 2016 Senate Order na hindi na nangangailangan ng pahintulot ng Senate President ang personal overseas travel ng mga senador. (NIÑO ACLAN)