SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
KABADO na si Shira Tweg story conference pa lang ng pelikula nilang
psychological suspense thriller Mantsa handog ng Dragon Entertainment Productions nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.
Ayon sa batang aktres nang makapanayaman namin matapos ang media conference ng Mantsa kamakailan sa Astoria Plaza, kinabahan na siya un pa man niya makita at makaharap ang veteran actress na si Pilar Pilapil.
Hindi rin nito itinanggi na na-intimidate siya rito gayundin sa co-star din nilang si Gelli de Belen.
“Super kinabahan ako, feeling ko ‘di ko alam gagawin ko, what’s gonna happen.
“Of course, I’ve worked with big stars na po before. And it’s safe to say na parang all of them, lahat talaga sila, wala silang ibang ginawa kundi i-welcome talaga ako sa industry. To really make me comfortable, to make sure na parang I’m doing the right thing. They’re always there to guide me.
“Si Tita Pilar did not let me be there lang. She came up to me, we talked na parang, kasi may eksena po kaming dalawa na sobrang kinabahan din ako noon. I can say super kinabahan talaga ako,” kuwento ni Shira na gumaganap na lola niya, (Lola Pacita) si Ms Pilar.
“And I feel like nakita niya na kinakabahan ako na kapag mag-action na si Direk Louie (Ignacio), of course, takot akong magkamali sa lines.
“Kasi, siyempre ayoko pong maisip niya na parang I’m not prepared. I’m not doing anything, any effort.
“So, she came up to me, nag-usap po kami about ‘yung scene na ‘yun. Sinabi niya sa akin na parang ‘just let your emotions flow. You don’t have to think about you crying and everything. Kung ano mang ma-feel mo that moment, yun ang ilabas mo.’
“So, super talagang tinulungan po ako ni Tita Pilar.
“She made me feel comfortable at that moment na parang, ‘wag ka ma-intimidate sa akin. We’re doing our job. We need to be comfortable.’
“Super helpful talaga. Parang mas nag-lay down ‘yung atmosphere. Parang mas nakahinga ako. And ‘yun, super grateful po ako,” mahabang salaysay pa ni Shira.
Maging kay Gelli ay ganoon din ang kanyang naramdaman. Medyo nailang siya kay Gagay noong una. Nawala lang ang kaba nang makita niyang kalog din ang kapatid ni Janice de Belen.
“That’s what I love about her. She’s very kalog. She made the atmosphere lighter. Na para lang kaming naglalaro. Para lang kaming nagro-role play.
“Si Tita Gelli, same thing. Wala siyang… hindi niya lang ako hinayaan. We talked na parang, okay, so ito gagawin natin. Ready ka. She’s there also to guide me. No matter what.
“Very grateful din po ako kay Tita Gelli,” wika ni Shira.
Kwento ng mga mantsa sa buhay ang pelikulang Mantsa. Bawat eksena sa pelikula, may istorya kaya dapat abangan ng manonood ang kada detalye.
Kasama rin sa pelikula sina Khai Flores, LA Santos, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, Miles Poblete, Than Perez, RJ Arior, Jass dela Torre, Ghia Garcia, Bo Bautista, Raine Barretto, at Milli Marzo. May special participation sina Janice de Belen at Snooky Serna.
Idinirehe ito ni Louie Ignacio para sa Dragon Entertainment Productions ng beauty guru na si Bambbi Fuentes kasama si Tine Areola. Mapapanood na sa mga sinehan simula October 7.
