I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKU, ano na kaya ang hitsura ng Viva Hot Babes? Seksi pa rin ba at kikay?
Heto na ang pinakahihintay na reunion ng taon dahil nagbabalik na sila sa Bulaklak: Viva Hot Babes reunion concert.
Ilan sa Viva Hot Babes na muling magpapainit sa concert ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Sheree, Jaycee Parker, Ella V, Jennifer Lee at marami pang iba!
Gaganapin ang concet sa October 23, 2026, Friday sa New Frontier Theater at mula ito sa direksiyon ni GM Sampedro.
Kumuha na ng tickets simula sa August 29!
