SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
ARTISTAHIN ang hitsura at dating. Pwedeng-pwede maging artista. Ito ang bungad namin kay Dr. Sam Bernardo ng Awesam Smile Dental Clinic nang makahuntahan namin ito isang hapon.
Hindi naman itinanggi ni Dr. Sam na gusto rin niyang mag-artista.
“Why not? Sa panahon ngayon, choosy pa ba ako? Kung may opportunity, I am very much willing to try,” anang magandang dentista nang matanong kung gusto ba nitong mag-artista.
At kung may mga opportunity willing si Dr Sam na gumawa ng pelikula kasama ang kanyang mga endorser tulad nina Daniel Matsunaga, Mika Salamanca, Bianca de Vera, G22 at iba pa.
“Kung mayroon namang opportunity, ako naman talaga sa totoong buhay, hindi ako choosy. Sa mga endorser din na hindi naman ako basta-basta rin kumukuha ng endorsers. Sana they trust and pareho kami ng goal. Kung ano ang gusto naming i-spread na pagtutuunan din ng maraming pasyente,” sabi pa ng magandang doktora.
At nang matanong naman namin kung sinong artista ang gusto niyang makapareha, mabilis nitong sinabi ang pangalan ni Daniel Padilla.
Bukod kasi sa crush niya ito, kaapelyido pa niya ang dating GF ni Daniel, si Kathryn Bernardo, bagamat hindi sila related.
“Lalayo pa ba ako, eh Bernardo rin ako,” natatawang sagot nito.
Okey din na maging leading man para sa kanya si Daniel Matsunaga. “Pwede rin. Mas maganda kasi I would be very comfortable with him kasi we’ve been friends for the longest time.
Samantala, pinatutunayan ni Dr. Sam na sa mundo ng showbiz, ang isang kompiyansang ngiti ay hindi lamang bahagi ng imahe ng isang artista—maaari rin itong maging daan para maisulong ang mas mabuting pangangalaga sa kalusugan ng ngipin.
Nakilala sa entertainment scene ang founder at CEO ng Awesam Smile Dental Clinic na si Dr Sam dahil sa dami ng celebrity at batang personalidad na napapabilang sa lumalawak na hanay ng mga ambassador ng kanyang clinic. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 30 endorsers.
Nakasama ni Dr Sam sina Mika, Bianca, Jaz ng G22, at Daniel sa grand opening ng ikasiyam na branch nito sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig.
Si Daniel Matsunaga ang isa sa kauna-unahang endorser ng Awesam Smile.
Si Mika naman ay isa sa mga bagong mukha ng Awesam Smile, na kumakatawan sa isang henerasyon ng mga celebrity at digital personality na palaging nakikita ang mga ngiti sa telebisyon, social media, at mga public apperances. Opisyal siyang kinilala ng Awesam Smile bilang isa sa mga ambassador nito.
Hayagan ding inihayag sa isang interbyu kay Bianca ang kahalagahan ng pangangalaga sa kanyang ngiti. Ibinahagi niya ang kanyang pananaw tungkol sa oral health at kung ano ang nagpapangiti sa kanya sa mga panahong ito.
Dahil sa lumalawak na koneksiyon sa mga celebrity, nasa natatanging posisyon si Dr. Bernardo upang pag-ugnayin ang dentistry, beauty, at showbiz, habang ginagamit ang kasikatan ng kanyang mga ambassador para gawing mas madaling maunawaan at mas relatable sa mas nakararami ang usapin tungkol sa kalusugan ng ngipin.
Ngunit para kay Dr Sam, hindi lamang paglikha ng mga ngiting perpekto sa larawan ang kanyang layunin.
“Hindi dapat maging luxury ang dental care. Pangunahing pangangailangan ito, at patuloy akong magsisikap na maging available ito para sa lahat,” aniya.
Pinaalalahanan din niya ang mga pasyente na huwag piliin ang mga dental procedure dahil lamang mas mura ang mga ito, lalo na pagdating sa braces at iba pang pangmatagalang paggamot.
“Invest in your oral health. Kasi ang oral health, ang ngipin natin hindi lang ’yan parang pampaganda o ngiti lang,” ani Bernardo, na binigyang-diin na mahalaga ang malulusog na ngipin hindi lamang para sa magandang hitsura kundi pati na rin sa pang-araw-araw na gawain tulad ng pagsasalita at pagkain.
Ngayong bahagi na ng celebrity circle ng klinika sina Mika, Bianca, G22, at Daniel Matsunaga, lalo nang nagiging pamilyar ang pangalan ng Awesam Smile sa industriya ng entertainment.
At habang maaaring makuha ng mga kamera ang perpektong ngiti ng isang celebrity, nais ni Dr. Sam na manatiling malinaw ang mensahe sa likod nito: ang magandang ngiti ay nagsisimula sa malulusog na ngipin at wastong pangangalaga sa ngipin.
