I-FLEX
ni Jun Nardo
DAIG ng anumang bagyo o habagat ang partnership ng MediaQuest, media arm ng MVP Group of Companies at ni Unkabogable Vice Ganda. Historical at Phenomenal ang tawag sa partnership ng dalawa na dinaluhan ng MediaQuest boss na si Manny V. Pangilinan at ipa bang executives ng TV5.
Isa sa nag-welcome kay Vice Ganda ay ang President at CEO ng MediaQuest Holdings na si Mr. Ricky Vargas.
Starstruck daw si Sir Ricky nang makita si Vice Ganda sa ibaba, ninerbiyos siya. “I’ve never seen a star like her! Vice, welcome!”
Para sa kanya, “Vice is a gift to the Filipino. His gift is fun and we want to share this gift to the Filipino people!”
Para kay MVP, magiging bahagi si Vice sa lahat ng platforms ng MediaQuests although wala pang detalye kung ano ang planong sisimulan ni Vice Ganda para sa TV5 at MediaQuest.
Basta ang bagong dagdag na title ni Vice ay ang The Queen of All Networks? Na-dethrone si Marian Rivera sa GMA?
Hayaan na ninyo, title lang naman!
