MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang grupong Blue Dreamers PH sa magandang reaponse ng mga netizen sa kanilang Teen Variety Show na IGee Studios, Astig ng Kabataang Pinoy na napapanood sa Onflix Originals at I Gee FB Page tuwing Linggo, 7:00 – 9:00 p.m..
Ang Blue Dreamers PH ay kinabibilangan nina Shayne, Jarred, Jairex, Xan Xan, at Zhian with Jamand James na parehong host din ng show.
Ilan nga sa kinaaaliwang segment sa I Gee Studios ang tagisan ng galing sa pagkanta (Sing and Shout It Loud), husay sa pagsayaw (Level Up The Dance Battle), Concert On The Floor, James On Play, Jam In with Jam, at Love Sessions by Blue Dreamers Ph..
At ngayong linggo ay magiging espesyal na panauhin nila si Lance Raymundo para i-promote ang kanyang latest single na Chotto Mate Kudasai.
Magsisilbing hurado naman para sa Sing and Shout It Loud at Level Up The Dance Battle sina Rodel Fernando (PMPC Vice President at Marisol Academy Host), Miles Poblete (Grand Champion ng MetroPop Star Search 1999 at dating female lead vocalist ng legendary band, Hotdog, at ang resident judge na si Barangay LSFM DJ, Janna Chu Chu.
Kaya naman sa Linggo, Aug. 16tutok na at manood ng IGee Studios sa Onflix Originals at sa I Gee FB Page.
