Barangay Love Stories mapapanood na sa telebisyon

Papa Dudut Renzmark Jairuz Recafrente Barangay Love Stories Brgy LS 97.1 Forever

SIMULA Setyembre ng taong ito, mapapanood na sa telebisyon ang numero unong FM radio program sa bansa, ang Barangay Love Stories, ang popular na radio program ng flagship FM radio station ng GMA Network na Barangay LS 97.1 Forever hosted by the number 1 DJ in the country today, Papa Dudut or Renzmark Jairuz Recafrente sa totoong buhay.

Ibinahagi nI Papa Dudut ang kanyang excitement sa pagkakataong mas marami pang manonood ang maaabot ng programa.

Ayon nga kay Papa Dudut, “Very excited ako sa opportunity na ito dahil mas malaking platform ito, ibig sabihin, mas marami ang makakapanood.

“Ang mga dati nating ini-imagine lamang na drama ay mabibigyan na ngayon ng buhay sa pamamagitan ng mga visual sa telebisyon.”

Aminado si Papa Dudut na kinakabahan pa rin siya tuwing humaharap sa mikropono dahil sa lawak at iba’t ibang uri ng mga kuwento at isyung ibinabahagi niya sa mga tagapakinig.

Nagpasalamat din siya sa pakikiisa ng GMA Radio sa proyekto upang maisalin sa telebisyon ang programa.

Ang exciting dito ay pumayag silang maging bahagi ng proyekto ang GMA Radio. 

“Sila ang magsisilbing mga adviser at, siyempre, nandito rin ako. Bukod pa rito, kasama rin ang GMA Public Affairs—at alam naman nating isa sila sa pinakamahusay pagdating sa storytelling sa telebisyon.”

Sa pangunguna ni Papa Dudut, ang Barangay Love Stories ay naghahatid linggo-linggo ng mga kuwentong tungkol sa buhay, pag-ibig at pag-asa, na nagmumula sa mga liham na ipinadadala ng mga tagapakinig.

Samantala, noong Disyembre, kinilala ang Barangay Love Stories bilang Top Love & Relationship Podcast at Top Podcast in the Philippines 2025 sa Spotify Wrapped. (John Fontanilla)