Koshelleine Kosuke Umemoto Shelleine Yaykso Catherine Umemoto

MATABIL
ni John Fontanilla

ONE hundred percent plus daw ang suporta ni Mrs Catherine Umemoto sa loveteam ng kanyang guwapong anak na si Kosuke Umemoto at Shelleine Yaykso mas sikat sa social media bilag tambalang Koshelleine.

Ang tambalang Kosheleine ang isa sa sikat na loveteam sa social media na ang fandom ay mula sa Pilipinas hanggang ibang bansa.

Ilan nga sa very supportive fandom nila ang KoShelleine Worldwide, Koshelleine Worldwode Nakas, KoShelleine Worlwide Tita’s, KoShelleine Wordwide Mima’s atbp..

Tsika ni Tita Catherine, “Kahit pabalik-balik ako ng Japan at Pilipinas dahil sa negosyo ko ay updated ako sa mga activities ng anak ko at ka-loveteam niya na si Shelleine.”

Dagdag pa ni Tita Catherine, “Rito lang ako para suportahan ang career niya na gusto niyang tahakin gayundin ang mga kapatid niya na nakabase na sa Japan, full support din sila.”

And if case nga na ang pagiging loveteam nila ay mauuwi sa totohanan ay wala itong tutol at susuporta lang siya sa anak.

Ako naman kasi, hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga anak ko, kung saan sila masaya susuportahan ko sila at masaya na ako.

“Kaya kung sakaling magiging sila ni Shelleine walang problema sa akin, mabait na bata naman si Shelleine at marespeto.

Basta lagi lang akong nandyan para suportahan at iAguide sila sa tama.

“Basta gusto ko lang na mag-aral ng mabuti si Kusoke para sa future niya rin.”

Sina Kosuke Umemoto at Shelleine Yayks ay nasa pangangalaga ng Mannix Carancho Talent Management at ambassador ng Prestige International.