VMX star Vern Kaye pumiyok sa indecent proposal kapalit bahay at lupa

Vern Kaye Mauro Salas Anya Austria John Mark Marcia

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ng magandang VMX star at lead actress ng Haplos ni Milagros na si Vern Kaye na nakatatangap siya ng indecent proposal.

Tsika ni Vern, “Parang feeling ko naman lahat naman ng artista kahit hindi VMX talagang ooperan ng indecent proposal.

“Kahit hindi nga artista basta guwapo o maganda ka ooperan ka talaga.

Kung para sa akin po, mayroon po. Marami, since hindi ko naman sila pinapansin nandoon lang naman kasi sa filltered messages ‘yun, ‘di ko na lag pinapansin.

“Ano po personal? Hindi naman po nila ako inaalok ng personal, mga mostly po talaga sa mga chat.

Siyempre ‘di ko naman friend ‘yun sa social media, puwede pa rin i-delete, ‘di ko na lang pinapansin.”

Bonggang offer?

Ano nga ba? Sabi niya sa akin, magdyowa tayo bibilhin ko ng cash ‘yung bahay niyo, house and lot, ayun.

Si Milagros po rito, from the work Milagros na pangalan niya, mayroon po siyang power to heal.

“Tapos, ibinigay po sa kanya ng lola niya ‘yun, ‘yung powers niya, kaya sa province po nila para siyang Santo Santita,l.

Tapos, si Milagros po ay, may kapalit po kasi ang  power niya and kaya siya virgin wala siyang boyfriend since birth.

“’Pag gumawa siya ng something na magdyowa siya or anything mawawala ‘yung powers niya.

Ano siya inosente, taga-bukid.”

Makakasama ni Vern Kaye sa Haplos ni Milagros sina Mauro Salas, Anya Austria, Honey Abe, at John Mark Marcia  sa direksiyon ni Christopher Novabos. Mapapanood na sa VMX sa Aug. 14.