Princess Aliyah pasabog performance sa single na Amba

Princess Aliyah

RATED R
ni Rommel Gonzales

HUMATAW sa kanyang performance si Princess Aliyah sa 18th birthday party niya sa isang hotel sa Pasay City.

Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend noong Sabado ay ikinuwento ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso 4th Big Placer ang isang buwan niyang preparasyon para sa kanyang debut.

Habang nagte-taping nga po, since parang everyday palagi akong may ganap, hinahanapan ko po talaga siya ng time kasi po, siyempre, gusto ko na ako ang mamili ng color, invitation. Ako rin ang magse-send. 

“Wala po talagang tulog,” kuwento ng Sparkle artist.

Sa program ay kasama sa 18 roses ang lalaking PBB housemates at sa 18 shots naman ang PBB girls kaya nagmistulang reunion nila ang party.

Kasama naman sa entourage ang ilang GMA executives sa pangunguna ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.

Bukod sa party para sa kanyang espesyal na okasyon ay natupad ang pangarap ni Aliyah na maging mini-concert ang debut na ang highlight ay ang kanyang performance ng debut single niyang Amba.