RATED R
ni Rommel Gonzales
NATANONG si Andrew E kung ka-level ba ng bago niyang awiting Pasta ang Humanap Ka Ng Panget, Binibi Rocha, Banyo Queen, at iba pang hit songs niya?
“May I say, baka mas mataas pa,” ang nakangiting tugon ng Master Rapper.
Usong-uso ang A.I. (Artificial Intelligence) sa halos lahat ng larangan, pero mariing sinabi ni Andrew E na never niyang ginamitan ng A.I ang kantang Pasta.
“Of course, hindi,” bulalas ni Andrew E.
“Because number one, nowadays, bibigyan ko kayo ng kaunting clue. Kasi nowadays, kapag gumamit ka ng A.I., bawal nang i-upload sa mga music platform. Bawal na.
“I’m not saying bawal ‘yung kanta mo. Pero hindi tatanggapin kung ikaw ‘yung gumawa. Kung ikaw ‘yung nag-submit.
“‘Di ba usually, ‘pag ikaw ‘yung producer or ikaw ‘yung record producer niyong album or niyong kanta, ‘pag sinubmit ‘yun ng company mo, automatic tinatanggap lang ‘yun ng music platform, ‘di ba?
“Or maybe kung sino mang ordinaryong manganganta or gumagawa ng kanta, or nagko-compose. Tinatanggap lang ‘yun.
“Nowadays, no. Mayroon na silang verification material or machine na kapag na-sense nila ‘yung A.I. elements, dahil ang A.I. elements, mga kaibigan, ay code. Code ‘yan, eh.
“Na code na hindi galing sa physical form or physical media kaya nase-sense ‘yan.
“At ‘pag nalaman nila, automatic, hindi ka na nila tatanungin. You cannot upload your song.”
Ang Pasta ang unang kanta sa bagong album ni Andrew E na Wholesome Againna naglalaman ng anim na kanta.
Isa na rito ay ang collaboration nina Andrew E, anak niyang si MC Fordy na
Andrew Fordy Espiritu ang real name.
