RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

RAJAKING

CANCERTOTO

CANCERTOTO

MALUKUTOTO

MALUKUTOTO

Negosyante, driver arestado sa buybust P3.5-M shabu kompiskado

PDEA Negosyante, driver arestado sa buybust P3.5-M shabu kompiskado

P3.4 MILYONG halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga ahente ng PDEA - RSET mula sa dalawang suspek sa ikinasang buybust operation sa Aguinaldo Highway, Dasmariñas City, Cavite. (ALEX MENDOZA)

INARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) — sa pamamagitan ng RSET2 katuwang ang PDEA Cavite Provincial Office, Philippine National Police (PNP), at Cavite Maritime Police Station — ang dalawang indibiduwal na hinihinalang sangkot sa droga. Nasamsam ang halos 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3.4 milyon ang halaga sa isang buybust operation sa Dasmariñas City, Cavite.

Isinagawa ang operasyon dakong 9:30 ng gabi noong Biyernes, 24 Hulyo 2026, sa Aguinaldo Highway, Barangay Salitran, Dasmariñas City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Daniel, 34-anyos negosyante, at alyas Raprap, 40-anyos tricycle driver.

Nakompiska mula sa kanila ang limang nakabuhol na transparent plastic bag na naglalaman ng halos 500 gramo ng puting crystal substance na hinihinalang shabu; tinatayang may street value na P500,000 at standard value na P3,400,000.

Nakuha rin sa operasyon ang limang bundle ng “boodle money” na ginamit bilang buybust money, mga dokumentong pinansiyal, isang sasakyan, identification card, at isang cellphone.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nakompiskang ebidensiya ng droga ay dadalhin sa PDEA Laboratory para sa quantitative examination, habang sumasailalim sa imbestigasyon ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang mga kaso. (ALEX MENDOZA)