Coco Martin Dingdong Dantes Marian Rivera Iza Calzado Joel Saracho Ricci Chan

RATED R
ni Rommel Gonzales

VIRAL ang pagtatagpo ng Hari ng ABS-CBN na si Coco Martin at Hari ng GMA na si Dingdong Dantes.

May niluluto silang isang malaking proyekto para sa AKTOR PH na si Dingdong ang chairman.

Nag-post si Coco ng larawan nila ni Dingdong na kuha sa kanilang pagkikita.

Pinasalamatan ng Kapamilya actor ang Kapuso actor dahil sa walang sawang pagmamahal at dedikasyon ni Dingdong sa showbiz industry.

Inihayag din ni Coco ang malaking paghanga at mataas na respeto niya kay Dingdong.

Isa kang inspirasyon sa maraming tao dahil sa sipag, at malasakit mo.

“Hindi lang talento ang ipinapakita mo, kundi tunay na puso para sa industriyang mahal nating lahat.

“Nandito lang ako sa likod mo at buong puso ang suporta ko sa lahat ng iyong ginagawa lalo na para sa Aktor PH,” pahayag ng Kapamilya actor.

Sa comments section, nakatutuwa ang pagpapahayag ng pasasalamat ni Dingdong kay Coco para sa pagmamahal din nito sa TV at movie industry.

Mapalad tayong lahat na may katulad mong laging nag-iisip ng mga bagong paraan para lalo pang mapatatag ang ating hanay. Bilib ako sa dedikasyon mo.

“Sobrang excited na ako sa programang ilulunsad mo para sa AKTOR. Mabuhay ka, Coco!”

Ang Aktor PH o League of Filipino Actors ay grupo o samahan na ang misyon ay pangalagaan ang kapakanan ng mga artista rito sa Pilipinas at isulong ang pag-unlad at positibong pagbabago sa industriya. Nagbibigay din ito ng suporta sa mga manggagawa sa industriya sa pamamagitan ng mga training program at mentorship.