Kira Ellis Kim Mangrobang Raven Alcoseba triathlon

PH triathlon team, handa nang sumabak sa Aichi-Nagoya Asiad

NAIPASA na sa Philippine Olympic Committee (POC) ang shortlist ng mga atletang bubuo sa pambansang triathlon team ng Pilipinas para sa nalalapit na 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan sa darating na Setyembre 9 hanggang Oktobre 4, 2026

Kabilang sa women’s individual event sina Kira Ellis at Raven Alcoseba, habang si Kim Mangrobang ang nakahanay para sa mixed relay at makakapareha ang alinman kina Ellis o Alcoseba.

Sa men’s individual event naman, sina Fernando “Fer” Casares at Aki Lorbes ang napiling isumite, habang si Kim Remolino ang sasabak sa mixed relay kasama ang alinman kina Casares o Lorbes.

Magsisilbing mga coach ng koponan sina Doray Ellis at Joana Remolino, habang si Rosalina “Ting” Joson ang itinalagang team manager. Ang Triathlon Philipines (TriPhil) ay sa pamumuno ni Tom Carrasco Jr.

Sa kasalukuyan, puspusan na ang paghahanda ng pambansang koponan sa pamamagitan ng pagsasanay sa ibang bansa. Tatlong atleta ang kasalukuyang nasa Spain, tig-isa ang nasa Indonesia at China, habang si Kira Ellis ay nasa Portugal na mula pa noong katapusan ng Mayo.

Samantala, nananatili sa Pilipinas ang dalawang coach at ang team manager habang patuloy ang koordinasyon at paghahanda ng koponan para sa kanilang kampanya sa Asiad. (HNT)