Zeke Polina Dating Alys Perez Rabin Angeles Angela Muji

Dylan Menor pinalitan ni Zeke Polina sa Dating Alys Perez 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAPAPANOOD na sa June 12 ang bagong series ng  tambalang RabGel (Rabin Angeles at Angela Muji) ang Dating Alys Perez na exclusive na mapapanood sa Viva One at idinirehe ni Crisanto B. Aquino.

Kung sa  Seducing Drake Palma ay ginampanan ni Dylan Menor  ang character ni Tripp Palma, sa Season 2, ang Dating Alys Perez, si Zeke Polina na ang gaganap na Tripp Palma.

May halong kaba at excitement  ang nararamdaman ni Zeke  sa kanyang bagong project. Kaya nga kinausap ito ni direk Crisanto na panoorin ang season 1 at basahin ang libro.

Sa Dating Alys Perez ay mas matured at mas bolder daw na sina Rabin at Angela.

Makakasama nila rito sina Ashley Diaz, Julienne Rosello, Mico Chua, Yumi Garcia, Frost Sandoval, Ethan David, Sara Joe, Rafa Victorino at Gab Evangelista.