Friday , June 5 2026
TEAM The Entertainment Arts Media Child Haus

The Entertainment Arts & Media (TEAM), muling nagsagawa ng Gift Giving and Feeding project sa Child Haus

NAGSAGAWANG muli ng yearly outreach project ang TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa Child Haus last Thursday, May 14.

Ito ang Gift Giving and Feeding project na pang-limang beses na naming ginagawa para sa mga batang may karamdaman.

Ang Child Haus ay matatagpuan sa F. Agoncillo St. sa Malate, Manila. Ito ay pansamantalang tirahan para sa mga batang taga-probinsiya na may kanser pero nasa Metro Manila ang mga doktor at iba pang espesyalistang makapagpapagaling sa kanila. Pinatitira sila sa Child Haus, pati na ang isang magulang o guardian nila, para madali silang makapunta sa ospital o sa klinika ng mga doktor at para na rin mabawasan ang gastos nila sa pasahe.

Ang anim na palapag ng gusali ng Child Haus ay donasyon ng SM Holdings na pinamumunuan ni Hans Sy. Ang pangunahing tagapagtaguyod naman ng proyekto ay ang pilantropong beautician na si Ricky Reyes, na sinimulan noong 2001 pa.

Matapos magdasal sa pangunguna ng VP ng TEAM na si Obette Serrano at magsalita ng presidente nitong si Noel Orsal, nagkaroon ng mini-entertainment para pasayahin ang mga batang pasyente at ang kanilang mga magulang o guardian. Kumanta rito sina Jam Leviste, Don Kengkz, at Cerise Limueco.

Sumunod ay nagkainan na at nagbigay ng regalo sa mga batang nandoon.

Lubos naming pinasasalamatan ang lahat ng nagbahagi ng kanilang suporta para sa Child Haus: Ms. Rhea Anicoche Tan, CEO of Beautederm, Senator Lito Lapid, Kuya Boy Abunda, Ms Maribel “Lala” Aunor, Ms. Cecille Bravo of Intele Builders and Development Corporations, Ms. Teresita Tolentino Pambuan, Yuki Sonoda, Zara Lopez, Rozz Daniels, Sarah Javier, Direk Romm Burlat, Mojack Perez, Kapitana Rossana Hwang, Angelika Santiago and her Mom, Ms. Bhing, Atty. Denise Frias, Gene Juanich, Zaplan Family, Direk Emille Joson, Ms. Boots Anson Roa, Beck and Matt Kotrob, producers of Peter Noster, Manila Eye Center, Beta Danz, Atty. Rey Bergado, Ms. Emma Cordero, Lionheart, Mia Japson, movie producer na si Grace Kuramoto, Pascual Laboratories, thru Marianne Ferrer de Vera, Purple Hearts, RF PROACTIVE Marketing Global, Inc. ni Ms. Rosarie Ledesma, Nunungan, Lanao del Norte Vice Mayor Marcos Mamay, Ms. Baby Go of BG Productions, Eian Rances, Jenny Miller, Jed Madela, Cye Soriano, Miles Poblete, at Edwin de Guzman – VOOA Mr. Universe.

Salamat din po sa masarap at murang food na inorder namin sa Olga Viray Catering.

Ang iba pang members at officers ng TEAM ay sina Sany Chua at Nimfa Chua, bilang Treasurer at Assistant Treasurer, Audie See – Secretary, Nonie Nicasio – Auditor, at sina Pilar Mateo and Adjes Carreon bilang mga PRO. Kabilang naman sa member ng nasabing media group sina Cesar Batingal, Anne Venancio, Wendell Alvarez, Boy Borja, Rey Pumaloy, Maridol Bismark, Roland Lerum, at Jhay Orencia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …