Friday , June 5 2026
Nick Vera Perez Duo Album Philippine Tour 2026

International singer Nick Vera Perez balik ‘Pinas para sa 2026 duo album tour

INILUNSAD ng Filipino-American singer and doctor Nick Vera Perez ang kanyang 2026 Duo Album Philippine Tour kasabay ng promosyon ng kanyang ikalima at ikaanim na album, ang Unafraid (gospel) at Dancing in the Ocean (dance), sa isang grand press conference noong May 2, 2026, sa Quezon City.

Lilibot si Nick sa iba’t ibang lokasyon kabilang ang Zamboanga at Rizal, kasama ang mga pagtatanghal na nagtatampok din kina Evelyn O. Francia at Hannah Shayne.

Sa grand presscon, ibinahagi ng international singer ang inspirasyon sa likod ng kanyang musika.

Ayon kay Nick, umiikot ang konsepto ng Dancing in the Ocean sa ­imagery ng dagat, mula sa dalampasigan hanggang sa mas malalim nitong simbolismo. 

Parang dalampasigan… anything around the sea,” aniya.

Konektado ito sa kanyang track na Footprints, na nagsisilbing pagpapatuloy ng kwento. “Iyong Footprints is parang follow-up ng ‘Dancing in the Ocean.’ The symbol is kapag iiwan mo na iyong beach, mayroon tayong set of footprints na makikita. Ayun ang footprints in the ocean.”

Bukod sa musical theme, kapansin-pansin din ang spiritual undertones at gospel influence sa kanyang mga kanta na matagal nang bahagi ng kanyang artistry.

At kahit napakarami at sunod-sunod  ang kanyang mga gawain bilang singer, may oras pa rin si Nick para sa kanyang church at hospital work. 

Sabi nga ni Nick maihahalintulad niya ang busy schedule sa pagluluto.

Kapag nagluluto ng kanin, mga 30 minutes. Kapag gulay, 10 minutes at kapag nagluluto ng karne, 20 minutes. 

“So the same thing iyong time management ko. Uumpisahan ko na iyong matagal. So habang naghihintay ako ng patapos, ginagawa ko na rin iyong iba.”

Kaya naman napagsasabay ni Nick ang kanyang passion sa musika at iba pang responsibilidad dahil marunong siya ng time management.

Bukod sa media appearances at interviews, may mga serye ng charity activities, church visits, radio guestings, mall tours, at bar performances na gagawin si Nick habang nasa bansa.

Ngayong araw, May 15, may guesting siya sa Letters and Music saNet 25, Mayo 16- Xentro Mall Antipolo, Mayo 17- Farmers Plaza, Araneta City, Mayo 18- Charity Walk: DSWD, Mayo 19- John Lennon Show 95.5 FM – Net 25, Mayo 20- Abante with WEJ at Music Box Bar, Mayo 21- Spectroom Bar, Mayo 22- Sta Lucia East Mall Mayo 23- Abante Showbiz Pulis at Bar 58, at sa Mayo 24- Xentro Mall Montalban at Wrap Up Dinner.

Isa sa mga highlight ng kanyang taunang pagbisita ay ang kanyang pagbabalik sa Farmer’s Plaza sa Araneta Cubao — isang venue na unti-unting naging bahagi ng kanyang paulit-ulit na Philippine tour tradition mula noong una niyang pag-uwi gayundin ang Charity Walk sa DSWD na ang mga malilikom na pondo ay ibinabahagi niya sa DSWD para sa mga batang benepisyaryo. Isasagawa niya ito sa May 18.

Naninirahan man sa America, nananatiling matatag ang pagiging Filipino at nakaangkla ang puso sa Pilipinas ng Filipino-American singer at Doctor of Nursing na si Nick at umaasa na balang araw ay magkakaroon sila ng collaboration ng hinahangaan niyang singer na si Martin NieveraGayundin nina Regine Velasquez-Alcasid, Lani Misalucha at Jona.

At bago pala nagtungo ng Pilipinas si Nick nagkaroon muna siya ng charity work bilang founder ng NVP1World Entertainment. Naging matagumpay ang charitable dinner dance na Saltare Quatrième noong April 25 sa Hilton Orrington Hotel.

Si Nick ay madalas na pinagsasama ang kanyang karera sa musika sa adbokasiya, na nakikibahagi sa mga aktibidad sa outreach sa kanyang taunang pagbisita sa Pilipinas(Maricris Valdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …