Thursday , June 4 2026
Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

Yasmine Vargas ‘di na kayang manahimik, nagsampa ng 20 counts ng cyber libel

ni MARICRIS VALDEZ

“BILANG isang ina, hindi ko po kayang manahimik habang patuloy na nasasaktan ang aking anak at pamilya.” Ito ang iginiit ng asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu-Vargas sa kanyang post sa Facebook account ng Vargas Na Pag-Ibig kahapon.

Nagsampa ng 20 counts ng cyber libel ang misis ni Alfred laban sa taong nagbabahagi ng mga maling balita laban sa kanilang anak at pamilya sa social media.

Sinabi pa ni Yasmine na hindi niya mapalalampas ang patuloy na paninira sa kanya at sa kanyang pamilya. 

Hindi rin niya kayang manahimik na lamang habang patuloy na sinasaktan ang kanyang pamilya. 

Sinubukan naming idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit sa halip, nagpatuloy ang mga post sa social media na naglalaman ng maling paratang laban sa akin, sa aking asawa, at sa aming pamilya—even after we chose to remain silent,” ani Yasmine.

Bagama’t may mga ganitong pangyayari, nakatataba ng puso aniya ang mga natatanggap niyang mensahe ng suporta, dasal, at pagmamahal.

Bago ito’y nagsampa sina Alfred at Yasmine noong Abril 13 ng reklamong paglabag sa Section 10 ng Republic Act No.7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination) sa Manila Prosecutor’s Office laban sa mga magulang ng isang menor de edad na nam-bully at nang-abuso umano sa kanilang anak habang nasa swimming training.

Narito ang kabuuan ng post ni Yasmine kahapon.

In recent days, our family has been in the spotlight after we made the difficult decision to stand up for our son. 

“I am deeply thankful for the messages of support we’ve received, as well as the sincere questions from those who wish to understand what happened. I would like to respond with clarity and respect.

“Maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng dasal, suporta, at pagmamahal sa amin. Sa totoo lang, ito po ang nagpapalakas sa aming pamilya sa gitna ng pinagdadaanan namin.

“For those who know me, you would understand that I am naturally shy and reserved, and not someone who looks for conflict. We tried to handle this quietly and peacefully—para sa kapakanan ng aming mga anak, na dumaan na sa matinding sakit at trauma.

“But there comes a point when silence is no longer an option.

“Bilang isang ina, hindi ko po kayang manahimik habang patuloy na nasasaktan ang aking anak at pamilya.

“Kaya pinili naming magsalita—hindi dahil gusto naming makipagtalo, kundi dahil mahal namin ang aming mga anak. Para sa kanila, at para sa lahat ng batang nakakaranas ng bullying, naninindigan kami.

“Today, I filed 20 counts of cyber libel.

“Nalulungkot po ako na umabot pa sa ganito. Sinubukan naming idaan sa maayos na pag-uusap noong Pebrero, ngunit sa halip, nagpatuloy ang mga posts sa social media na naglalaman ng maling paratang laban sa akin, sa aking asawa, at sa aming pamilya—even after we chose to remain silent.

“Hindi na po ito maaaring magpatuloy.

“These claims are false and are meant to damage our name and reputation.

“Pinili naming dumaan sa tamang proseso. Nagsampa na po kami ng reklamo at kalakip nito ang aming ebidensya. Tiwala po kami na lalabas ang katotohanan.

“Sa lahat ng sumusuporta, nagdarasal, at naniniwala sa amin—maraming salamat. Hindi po namin ito kakayanin nang kami lang.

“At sa publiko, nakikiusap po kami:

Let us choose kindness.

Huwag na po nating dagdagan ang sakit sa pamamagitan ng paninira, haka-haka, o masasakit na salita—lalo na online.

“Bullying, in any form, has no place in our community.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …