I-FLEX
ni Jun Nardo
PURING-PURI si Kiko Estrada ng mga mas senior sa kanyang stars na kasama niya sa TV5 series na Totoy Bato na unang pinagbidahan ni The King Fernando Poe, Jr. na sinundan ni Senator Robin Padilla.
Ayon kay Eula Valdez, nakita niya kay Kiko ang dedikasyon sa trabaho at ang mahusay na pagganap sa Totoy Bato.
“Seryoso siya talaga,“ sabi ni Eula sa finale mediacon ng Totoy Bato.
Very happy ngayon si Eula at ang dalawa niyang anak eh nasa ibang bansa.
“Tuwang-tuwa ako kay Kiko. He’s perfectionist. Gusto niyang mapaganda. He’s pasionated at lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko,” sey naman ni Janno Gibbs kay Kiko.
Bukod sa TV5 series, actor at director din si Janno sa isang vertical series sa Viva Box at ngayong araw na ito ang labas ng bagong kanta under GMA Music.
Ano naman ang damdamin ni Kiko na after Lumuhod Ka sa Lupa eh ginawa niya ang Totoy Bato na inabot ng halos isang taon?
“Siguro ‘yung pagmamahal sa craft natin. ‘Yung pagmamahal sa pagbigay ng magandang produkto sa mga tao.
“’Yung inspirasyon ko sa ‘Totoy Bato’ was my grandfather, Paquito Diaz. Kasi kasama po siya sa original…(at nagpahid si Kiko ng mata sa pagiging emosyonal).
“Ayokong mapahiya sa lolo ko. ‘Yung huling sinabi niya sa akin, ako ang papalit sa kanya. Hindi mo mapapalitan ang isang… [Paquito
Diaz].
“Sa mga ibang tao, kontrabida siya pero sa buhay ko, siya ang bida!” diin pa ni Kiko.
Huling lingo ngayon ng Totoy Bato kaya abangan ang eksplosibong pasabog hanggang Abril 24.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com