Tuesday , June 23 2026
Mark Herras Nicole Donesa

Mark idinenay hiwalay na sila ni Nicole

MA at PA
ni Rommel Placente

PINABULAANAN ni Mark Herras ang napabalitang naghiwalay na sila ng asawang si Nicole Donesa.

Aware ang aktor na kumalat ang chikang naghiwalay sila ni Nicole nang mag-viral ang kanyang video na makikita siyang umiiyak at tila may mabigat na pinagdaraanan.

Inamin ni Mark na inatake siya that time ng depresyon matapos silang mag-away ni Nicole. At isa raw sa paraan para magpalamig at hindi na lumala ang away nila ay ang pag-alis niya ng bahay o pag-iwas sa social media.

So, ‘pag nag-aaway nga kami, kailangan kong umalis ng bahay, hindi kami para magrambulan o magsagutan. Eh, ‘pag umalis ako ng bahay, ‘Ano?’ Ganoon pa rin eh, tuloy-tuloy pa rin ‘yung mga..

 “So, paano kayo makakapag-relax o paano mawawala ‘yung away, ‘yung init ng away kung nag-usap pa rin kayo, binubungangaan ka pa rin through text.

“So ako, ‘Block muna kita..

“So peace of mind, parang okay, katahimikan muna,” ang natatawang sabi ni Mark sa panayam sa kanya ng Fast Talk With Boy Abunda.

Muli raw nilang ipa-follow ang isa’t isa kapag nagkasundo na sila, “Minsan, nasa bahay na ako for like a week, okay na kami, hindi ko pa rin siya ina-unblock.”

Kasunod nga nito ang paglilinaw ni Mark sa balitang naghiwalay sila ni Nicole, “Malaking factor sa amin ni Nicole ‘yun eh, na buo ‘yung pamilya para sa mga bata, Tito Boy.

“And having those kids, wala akong laban diyan. Lalo sa bunso, panganay at bunso actually. So, kung nasaan sila, nandoon ako,” ani pa ni Mark. 

Paliwanag pa ng dating ka-loveteam ni Jennylyn Mercado, walang konek sa pera o trabaho ang kanyang breakdown sa kanyang viral crying video.

So, it’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang (i-post ang video), just to vent out,” ayon pa sa Kapuso actor.

Samantala, sinagot din ni Mark ang mga comment ng netizens tungkol sa viral crying video na marami ang nagsabi na nag-breakdown siya dahil wala na siyang trabaho.

Kasi, ang dating sa mga kapwa ko artista, parang nagbe-beg ako for work or parang wala akong pera, wala akong trabaho, parang ganoon.

“Mali ‘yung nagiging dating sa tao eh, sa co-actors ko. Parang, I mean, napapahiya ako sa kanila. Parang… ano, naghahanap ba ako ng trabaho? Hindi naman ako naghahanap ng trabaho eh. I have work, Tito Boy, noong time na ‘yan. And until now,” esplika pa niya.

Mainit na raw ang ulo niya noong time na binengga niya ang mga basher, “‘Personal pala eh, bakit mo pa ipino-post?’ Eh, social media ko ‘yan eh. Pinapakialaman niyo?

“’Yung mga tao kasi mahilig silang manghimasok sa buhay ng may buhay. Wala naman silang karapatan,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …