Thursday , June 4 2026
Marlo Mortel Rita Daniela Caught In The Act

Halikan nina Marlo at Rita may kagatang nangyari, deadma sa cut ni direk

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY kissing scene ang singer-actor na si Marlo Mortel kay Rita Daniela sa latest Viva Movie Box (VMB) micro drama series na Caught In The Act. Ito ang first ever kissing scene ng binata sa pelikula.

Inamin ni Marlo sa isang panayam na talagang na-pressure siya sa kissing scene nila ni Rita dahil super intense agad ang ginawa nilang eksena.

Most challenging, definitely (kissing scene). Doon talaga ako nape-pressure. Hindi ko alam kasi important din talaga sa akin ’yung mga ganoong firsts, kahit in real life.

“So, kahit kasi smack, wala pa ako on-screen, ever, as in. So, kahit noong una naming smack, naiilang ako. Tapos, bago ’yung pinaka-torrid, nakailang mali ako,” natatawang kuwento ni Marlo.

Na-stress din siya sa mga dialogue bago ang kanilang torrid kissing scene dahil mas naka-focus siya kung paano ang gagawing atake sa halikan.

Noong nag-take na nga, noong paghigit ko kay Rita, ay ang intense pala!”

Ayon naman kay Rita, ginabayan niya si Marlo sa kissing scene nila sa serye, “Ayoko rin naman ma-feel niya, of course, first and foremost, to feel uncomfortable. 

“Malaking bagay na nai-brief kami ni direk kung ano talaga ’yung gusto niyang makuha sa eksena na ’yun. And na-appreciate ko roon si rirek kasi he went straight to the point. 

Talagang walang paligoy-ligoy. Malaking bagay ’yun for us, kung paano namin gagawin ’yung eksena na ’yun,” aniya pa.

 “Tuloy kami nang tuloy pero, in fairness naman, kahit kinakabahan si Marlo talagang itinutuloy niya talaga, inilaban niya, naramdaman ko ’yun.

“Hindi siya talaga tumigil. Kahit kamay niya, hindi tumigil din! Talagang tuloy-tuloy siyang ganyan, para siyang sumasayaw,” natawang chika ng aktres.

Depensa naman ni Marlo, napasigaw na si  direk Temi Cruz Abad ng “Cut!” pero hindi raw nila narinig kaya tuloy-tuloy lang sila ni Rita sa eksena.

I really try to be very professional kapag sa work so, siyempre, ang tagal na ng eksena, ang briefing lang halikan, ’di ba? Eh, walang cut. 

“So, siyempre, aamoy-amuyin ko na, kakagat-kagatin ko na kung ano man. So, may kagatan na nangyari kasi wala kaming naririnig na cut, eh, ayoko naman na putulin ’yung eksena. 

“Parang lumabas ’yung ibang Marlo Mortel. But, anyway, I’m very happy with how it ended,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …