Sunday , June 21 2026
Mark Herras Crying

Mark inilahad dahilan ng pag-iyak sa viral video

RATED R
ni Rommel Gonzales

IPINAGTAPAT na ni Mark Herras ang katotohanan sa likod ng kanyang viral video na umiiyak na halatang may mabigat na pinagdaraanan.

Sa guesting ni Mark sa Fast Talk with Boy Abunda sinabi nitong walang koneksyon sa pera o career ang kanyang “breakdown video.”

It’s a personal issue na kailangan ko siyang gawin, kailangan ko siyang i-post, just to vent out,” pahayag ng male Sparkle artist.

Na kumbaga dapat ba, hindi ako aalis ng bahay para hindi ko sila ma-miss, pero parang ‘yung issue naming dalawa ng asawa ko,  na kung hindi ako aalis dito, bangayan, bangayan, na ayoko na lang ng ganoong stress sa buhay.”

Tinanong daw siya ni Nicole tungkol sa kanyang video.

Sabi pa nga ni Nicole, ‘Why do you need to post that? Do you want sympathy from people?’

“‘I don’t, I don’t want to get sympathy from people,’ sabi ko. ‘Kilala mo ako,’ sabi ko, ‘Ang tagal ko na sa industriya, hindi ako humingi ng ganyan sa tao.’ “Kailangan ko lang mag-vent out, para hindi ako ma-lost, hindi ako sumabog.”

May ilang netizens na gumawa na ng kani-kanilang mga haka-haka tungkol sa video ni Mark, ang iba pa ay inisip nal wala umano siyang trabaho.

Pinalagan ni Mark ang mga nagpapakalat na wala siyang trabaho.

Kasi, ang dating sa mga kapwa ko artista, parang nagbe-beg ako for work or parang wala akong pera, wala akong trabaho, parang ganoon.

“Mali ‘yung nagiging dating sa tao eh, sa co-actors ko. 

“Parang, I mean, napapahiya ako sa kanila. Parang… ano, naghahanap ba ako ng trabaho? Hindi naman ako naghahanap ng trabaho eh. I have work, Tito Boy, noong time na ‘yan. And until now.”

Sinagot ni Mark ang ilang netizens na mali ang espekulasyon.

“‘Personal pala eh, bakit mo pa ipino-post?’ Eh, social media ko ‘yan eh. Pinakikialaman niyo?’

“’Yung mga tao kasi mahilig silang manghimasok sa buhay ng may buhay. Wala naman silang karapatan.”

Inihayag din ni Mark na paraan niya ang pag-alis ng bahay o pag-iwas sa social media ni Nicole para hindi lumala ang kanilang away mag-asawa.

So ‘pag nag-aaway nga kami, so kailangan kong umalis ng bahay, para hindi kami magrambulan o magsagutan. Eh’pag umalis ako ng bahay, ‘Ano?’

“Ganoon pa rin eh, tuloy-tuloy pa rin ‘yung mga…

“So paano kayo makakapag-relax o paano mawawala ‘yung away, ‘yung init ng away kung nag-usap pa rin kayo, binubungangaan ka pa rin through text.”

“So ako, ‘Block muna kita’.

“So peace of mind, parang okay, katahimikan muna.”

Kapag okay na sila ulit, pa-follow na nila ulit  ang isa’t isa.

Minsan, nasa bahay na ako for like a week, okay na kami, hindi ko pa rin siya ina-unblock.”

Mariing itinanggi ni Mark na hiwalay sila ni Nicole.

Malaking factor sa amin ni Nicole ‘yun eh, na buo ‘yung pamilya para sa mga bata, Tito Boy. And having those kids, wala akong laban diyan.

“Lalo sa bunso, panganay at bunso actually. So, kung nasaan sila, andoon ako,” seryosong sinabi pa ni Mark. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …