I-FLEX
ni Jun Nardo
SOLD out na ang tickets ng seated section ng Sandali The Cup Of Joe Fest concertsa Philippine Sports Stadium sa Bulacan sa May 23, 2026.
Pero ayon sa members ng COJ sa kanilang mediacon, makabibili pa ng tickets sa Splash Zone sa harap ng stage na standing.
Sa zone na ito magaganap ang sayawan at basaan kaya magdala raw ng extra clothes during the concert.
Mula sa ilang gabing sold out concert sa Araneta, natutuwa at the same time pressured ang grupo na nagbigay ng megahit na Multo.
Isa sa guests ay ang bandang Kamikazee at marami pang iba na si Paolo Valenciano ang director.
Ayon sa media release ng Viva Records sa bagong milestone ng Cup of Joe, “Cup of Joe isn’t just participating in the OPM renaissance, they are leading the charge. This is no longer just a “cup of music – it’s an entire ocean, and we’re all invited to dive in.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com