I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLE pero espesyal ang 7th birthday wish ni Sixto Dantes, bunso nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, isang pet chicken.
“On your 7th birthday, Sixto, you wished for something simple yet special – a pet chicken.
“Today (kahapon, Abril 16), we’re so happy to grant your wish. Happy birthday, our love.”
Mensahe ni Yan sa bunsong anak kasama ang pictures na blowing his candle at habang hawak sa kamay ang regalong pet chicken.
Kakaibang regalo talaga ang wish ni Sixto, huh!
Samantala, balik sa paggawa ng series si Marian, ang Behind Closed Doors para sa isang streaming app na isa siyang matapang na journalist na kabit ng isang president na si Dingdong ang gaganap habang si Jillian Ward naman ang anak nila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com