Alden Richards Nadine Lustre

Alden magpapaganda ng katawan para sa series nila ni Nadine 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY mga paghahandaang gagawin si Alden Richards para sa nalalapit nilang  taping ni Nadine Lustre ng series na Love Siargao.

Tsika ni Alden sa isang interview, “Kailangan ibalik ‘yung beach body ba ang tawag doon? 

“Pero, ‘yah that’s part of the preparation as well  and it’s been awhile since my last project actually ‘Pulang Araw’ pa ‘yung huli kong series na nagawa and excited din akong makabalik talaga to do acting.”

Isang buwang magti-taping sa Siargao sina Alden at Nadine, na kukunan ang buong series.

Were gonna be flying out na to Siargao project namin ni Nadine for VIU Philippines,

“So were going to stay there for a month and  we’re gonna finish the whole series doon,” sabi pa ni Alden.

Excited na nga si Alden na masimulan ang proyekto dahil first time nitong makakatrabaho ang award winning actres na si Nadine sa isang series.