I-FLEX
ni Jun Nardo
TINUPAD ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara ang pangakong magbibigay ng ayuda para sa mga driver.
Ang mga driver sa Quezon City ang nakatikim ng biyaya ni Kyline nitong nakaraang mga araw.
Bilang sukli raw ito ni Kyline sa drivers dahil alam niya ang hirap nito sa trabaho. Isa ring driver ang lolo niya sa Bicol kaya tinutulungan niya ang mga katulad na driver ng lolo niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com