I-FLEX
ni Jun Nardo
NABASAG pala ang bukong-bukong ni Wally Bayola sa aksidenteng nangyari sa kanya habang bumibyahe papuntang Bicol sakay ng motor noong Palm Sunday.
Ayon sa manager ni Wally na si Joel Roslin, estimate ng doctor eh mga tatlong buwan para maging maayos ang operasyon ng komedyante.
Nilagyan daw ng turnilyo ang nabasag na buto kaya hirap si Wally na gumalaw nang husto.
Pero knowing Wally, pipilitin niyang pumasok sa Eat Bulaga kahit nakasaklay o may gamit na wheelchair, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com