Friday , June 12 2026
Derrick Monasterio Angelica Jones Neophyte 26

Derrick Monasterio at Angelica Jones, tampok sa advocacy film na “Neophyte 26”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG napapanahong true-to-life story ang advocacy film na “Neophyte 26” na tiyak na tatagos sa puso ng bawat manonood ngayong taon.

Mula sa pamamahala ni Direk Rommel Penesa and written by Charlotte Dianco, ang pelikula ay pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones.

Ang Neophyte 26 ay isang pelikulang magbubunyag ng katotohanan sa likod ng mga kaganapan sa fraternity, sakripisyo, pagmamahal, at katapangan.

Gumaganap dito si Derrick bilang si Ned, anak ni Nelia (Angelica Jones), isa siyang binatang haharap sa matinding pagsubok sa buhay. Makikita rito ang kuwento ng sakit, pangarap, pagmamahal, at sakripisyo para sa kinabukasan.

Si Angelica bilang si Nelia ay ang mapagmahal at matatag na ina, na handang isakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanyang anak na si Ned.

Gagawin niya ang lahat kahit gaano kahirap, para lang maabot ni Ned ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Bitbit niya ang matagal nang pangarap ng kanyang asawa na si Oscar para sa kanilang anak, haharapin niya ang mga dagok at pagsubok sa buhay.

Ipinahayag ng aktres na kakaibang Angelica ang mapapanood sa kanya rito.

Esplika ng aktres/public servant, “Ang mga nagawa kong movies before, Mr. Suave, Enteng kabisote, Lagot Ka, Isusumbong Kita sa Kuya Ko…more on comedy iyong mga movie ko and action, it’s my first time na nakagawa ako ng pelikula na drama talaga. Dramatic, as in nailabas ko rito iyong pag-arte ko, kung paano ang pagiging isang ina.”

Hindi ba siya nahirapan na sumabak sa mga eksenang heavy drama at iyakan to the max?

Esplika ni Angelica, “Actually itong movie na ito, sa lahat ng eksena rito, sa tagal ko nang artista, ito ang pinaka-heavy drama na nagawa ko. Talagang dito ko inilabas lahat, very timely iyong pag-shoot namin ng pelikula dahil may pinagdaraanan din kasi ako that time, God knows kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko and doon sa story talaga.

“Bilang isang ina, masakit at mabigat sa dibdib talaga na halos mamatayan ka ng anak.” 

Dagdag pa niya, “Kakaiba ang role ko rito, kapag napanood nila ang movie na ito, lalabas sila sa sinehan na hindi puwedeng hindi sila iiyak talaga.

“Itong movie, may iyakan, may love story and drama, and iyong kilig. And of course iyong aral sa mga magulang, teachers and students. And of course, the brotherhood and sisterhood.”

Tampok din sa pelikula sina Elle Villanueva, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Andrea del Rosario, Ronald Adamat, Mike Lloren, Mosang, Lance Raymundo, Maxine Trinidad, at Chris Leonardo.

Introducing naman sa pelikula si Angelo Jones, na anak ni Angelica, at base sa teaser ng movie, kahit baguhan ay nagampanan ng 13-year-old na bagets from La Salle, Lipa, ang natoka sa kanyang role rito.

Mayroong premiere night ang pelikulang Neophyte 26 sa April 22, sa Ayala Malls Vertis North, Quezon City, Cinema 3.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …